Hinahanap mo kung paano mag-register sa BC.Game mula Pilipinas? Sakop ng page na ito ang pop-up form field por field, ang mga one-tap na option, ang unang ₱200 na deposit mula GCash o GCrypto, kung paano talaga nagbabayad ang hanggang 500% na welcome bonus, at ang ID-at-selfie na check bago ang withdrawal. Nasa aming review ng BC.Game ang buong test; para sa problema sa login kapag may account ka na, nasa gabay sa BC.Game login.
Ihanda bago magsimula
- Email na binubuksan mo, o Google, Telegram o Cwallet account para sa one-tap na ruta.
- Matibay na password. May strength bar ang form; hindi pwede ang “Weak”.
- Referral o promo code kung may ibinigay na kaibigan (opsyonal).
- Larawan ng government ID at ang camera ng phone mo para sa selfie, para matapos ang KYC sa unang araw.
- ₱200 sa GCash, Maya o bank app mo, o bilang USDT sa GCrypto, para sa unang stage ng bonus.
Ang sign-up pop-up, field por field
Tumatakbo sa piso ang BC.Game para sa bisita mula PH at may Filipino na bersyon sa bc.game/fil/. Pop-up ang sign-up, hindi page, at wala itong field para sa bansa o currency.
- Buksan ang BC.Game gamit ang button namin at i-tap ang Sign Up sa kanang itaas (dalawang tab ang pop-up: Sign In at Sign Up).
- Ilagay ang email mo.
- Mag-set ng password. Bantayan ang strength bar sa ilalim ng field at lampasan ang “Weak”.
- May code ka? Buksan ang Enter Referral / Promo Code at i-paste ito. Opsyonal.
- I-tick ang “I am 18+ and agree to the Terms and Conditions” at i-tap ang Sign Up.
Mas gusto ang isang tap? Sa ilalim ng form, nasa Sign up directly with ang Cwallet, Google at More na menu, at may Google at Telegram na button sa banner ng homepage. Tandaan kung alin ang ginamit mo: iyon na ang login mo mula ngayon, dahil hindi ka nag-set ng password.
Tip ng Durian: mag-deposit sa parehong araw. Sabi ng BC.Game, 24 oras lang pagka-sign up available ang New User Booster, ang dagdag na rakeback sa ibabaw ng welcome bonus, at ₱200 lang ang simula ng unang stage ng welcome bonus.
Sa app ka magre-register? Pareho lang ang daloy. May iOS app ang BC.Game na binubuksan sa link sa app page nila at Android APK na dina-download sa site, at may one-time na app-exclusive cashback ang app user na nakabatay sa VIP level. Pwede kang mag-sign up muna sa browser; dala-dala ang account, at pareho ang mga field ng pop-up sa mobile site.
Unang deposit: GCash, Maya, QR Ph o USDT
Buksan ang Wallet → Deposit. Dalawang tab ang mahalaga:
| Tab | Makikita mo | Pagpasok |
|---|---|---|
| Fiat | Mga peso channel; GCash, PayMaya, QR Ph at ShopeePay ang nakalista sa homepage. Magbayad sa pop-up page o manual transfer | Pagka-confirm ng channel |
| Crypto | USDT, BTC, ETH at 10+ coin. Bumili ng USDT sa GCrypto, i-send sa TRON network sa address na ipinapakita | Pagka-confirm ng blockchain |
Mula nang mag-utos ang BSP noong Agosto 2025, hindi na direktang nagli-link ang mga e-wallet sa gambling site, kaya ipinapakita ng Fiat tab kung ano ang live sa araw na iyon; sakop ng aming gabay sa BC.Game GCash ang dalawang ruta tap por tap, at ikinukumpara ng GCash casinos na page ang ibang brand.
Pag-claim ng welcome bonus
Apat na deposit na hagdan na hanggang 500% ang welcome ng BC.Game:
- Deposit 1 (₱200+): 180% bonus + 40% rakeback.
- Deposit 2–4 (₱400, ₱550, ₱800 ang minimum): paakyat sa 360% + 140% sa ikaapat.
- Paano nagbabayad: pumapasok ang bonus sa locked balance at nagiging totoo at withdrawable na cash habang tumataya ka sa eligible na laro (slots, live casino, BC Originals). Wager × house edge × 1% ang formula sa help center. Walang expiry.
- Paano i-claim: pagpasok ng deposit, buksan ang Gift Box at i-claim ang stage.
Mabagal na top-up ito imbes na libreng pera, kaya bagay sa regular na player. Ikumpara sa mga offer na may fixed na rollover sa aming listahan ng low wagering.
KYC at verification
Pwede kang mag-sign up at mag-deposit nang walang ina-upload. Pwedeng humingi ang BC.Game ng KYC bago ang withdrawal: government ID at selfie, ina-upload sa account page; may walkthrough ang help center. Wala ang Pilipinas sa listahan ng BC.Game ng hindi suportadong KYC na rehiyon. Hindi naka-publish ang tagal ng review. Instant sa panig ng BC.Game ang crypto withdrawal kapag clear ka na, at 5 minuto hanggang 72 oras ang peso withdrawal, kaya i-upload sa unang araw. Detalye sa gabay sa BC.Game withdrawal.
Tatlong error sa sign-up at ang solusyon
- Hindi natatapos ang sign-up. Kung may ipinadalang verification email at walang dumating, tingnan ang spam at ang spelling; kung nagsasara ang Google o Telegram na pop-up nang hindi ka naka-login, na-block ng browser mo ang pop-up: payagan ito at i-tap ulit. Stuck pa rin? Sumasagot sa loob ng ilang minuto ang 24/7 Live Support (ang headset icon).
- “Email already registered.” May account ka na. Huwag gumawa ng panibago: isinasara ang duplicate at binabawi ang bonus. Lumipat sa Sign In tab at gamitin ang Forgot Password, o ang parehong Google, Telegram o Cwallet na button na ginamit mo noon.
- Maling currency ang balance. Walang currency field, kaya ibig sabihin nito, crypto ang na-deposit mo at iyon ang ipinapakita ng wallet, o napalitan mo ang display currency. Piliin ang PHP (o ang coin) sa wallet switcher. At huwag kailanman magpadala ng coin sa network na hindi nakalista sa deposit page; hindi ito darating.
Sulit bang mag-register?
Kasama ang BC.Game sa pinakamataas na rating sa Philippine list namin, 4/5 durians: iisang peso account para sa 7,600+ slots (JILI, Fa Chai, PG Soft), 700+ live table, Perya at buong sportsbook, bonus na nagiging cash habang naglalaro ka, at instant na crypto withdrawal. Mag-sign up, mag-deposit sa loob ng 24 oras para sa booster, tapusin agad ang KYC. Lisensya at record ng reklamo: legit ba ang BC.Game.
21+ lang. Mag-set ng budget bago ang unang deposit, i-cash-out ang panalo habang lamang ka pa, at kapag hindi na masaya, may libreng tulong sa aming responsible gambling page.




