Ang USDT ang pinakamahalagang coin na dapat maintindihan ng Pinoy na player ngayong 2026. Mula nang mawala ang GCash at Maya link sa mga casino, ito ang naging daan ng pera mula wallet papunta sa cashier at pabalik, at ito ang tanging daan papunta sa crypto-only na casino tulad ng Winna. Pero may isang bagay na pwedeng magpawala ng buong deposit mo sa isang tap: ang network. Sa gabay na ito, dinadaanan natin ang lahat mula sa unang pagbili hanggang sa pagbalik ng piso sa GCash, gamit ang eksaktong labels sa cashier ng apat na casino namin para sa Pilipinas.
Ano ang USDT sa isang talata
Ang USDT (Tether) ay stablecoin: crypto na naka-peg sa US dollar, kaya mga 1 USDT = 1 dollar at hindi ito tumataas o bumababa nang malaki tulad ng Bitcoin o Dogecoin. Sa casino, ibig sabihin, hindi nagbabago ang halaga ng balance mo habang naglalaro ka dahil sa galaw ng merkado; ang laro lang ang nagpapabago. Nasa maraming blockchain ang USDT, at ang parehong 1 USDT ay pwedeng nasa Tron, Ethereum, BNB Smart Chain o Solana. Iisa ang halaga, pero magkaiba ang daan, at ang daan ang pinakamahalagang desisyon sa buong gabay na ito. Para sa pagbili mismo, nandiyan ang aming gabay sa pagbili ng USDT; para sa paghahambing ng BTC, ETH at DOGE sa USDT habang naglalaro, ang gabay sa crypto casino bonuses.
Aling network: TRC-20, ERC-20 o BEP-20
Ang network ay ang blockchain na dadaanan ng USDT mo. Ang casino ay nagbibigay ng address para sa isang network, at sa network na iyon lang gumagana ang address. Ito ang apat na madalas mong makita:
| Network | Blockchain | Address format | Fee (karaniwan) | Bilis | Sino ang gumagamit sa listahan namin |
|---|---|---|---|---|---|
| TRC-20 | Tron | Nagsisimula sa T | Mababa; karaniwang mas mababa sa $5, i-check sa app | Ilang segundo hanggang ilang minuto | GCrypto (nagbebenta ng USDT sa Tron); Winna, BK8; BC.Game (TRON) |
| ERC-20 | Ethereum | Nagsisimula sa 0x | Mataas at pabago-bago (gas fee) | Ilang minuto, mas matagal kapag busy | Winna, BK8 |
| BEP-20 | BNB Smart Chain | Nagsisimula sa 0x (pareho sa ERC-20) | Mababa | Ilang minuto | Winna |
| Solana | Solana | Ibang format, mahaba | Napakababa | Ilang segundo | Winna |
Tatlong rule mula sa table na ito:
- TRC-20 ang default. Ito ang ibinebenta ng GCrypto sa loob ng GCash, ito ang pinakamura sa karaniwan, at tinatanggap ito ng apat na casino namin. Kung walang dahilan para pumili ng iba, Tron.
- Ang ERC-20 ay para lang kung nasa Ethereum na ang USDT mo. Hindi sulit bumili ng ERC-20 USDT para mag-deposit ng ₱2,000; pwedeng lamunin ng gas fee ang malaking bahagi.
- Mag-ingat sa 0x. Pareho ang address format ng ERC-20 at BEP-20, kaya “tama” ang itsura kahit maling network. Ang label ng network sa cashier ang basahin, hindi ang itsura ng address.
Sa Megapari, ipinapakita ng deposit page ang network sa tabi ng address. Kung Tron ang nakasulat, pwede mula GCrypto; kung iba, huwag mag-send at itanong sa 24/7 live chat kung may Tron na option. Detalye sa aming gabay sa Megapari at GCash.
Durian tip: Bago mag-tap ng Send, basahin nang malakas ang tatlong bagay: coin (USDT), network (Tron / TRC-20), at ang unang tatlo at huling apat na character ng address. Kung tumutugma sa ipinapakita ng cashier, go. Kung may kahit isang hindi tugma, hinto. Hindi na mababawi ang crypto sa maling chain, at wala kang matatawagang bangko.
Wallet: exchange o sariling wallet
May dalawang lugar kung saan pwedeng galing ang USDT mo, at pareho silang gumagana sa casino.
Mula sa exchange (GCrypto, Maya Crypto, Coins.ph, PDAX)
Ito ang ginagamit ng karamihan ng Pinoy. Bumibili ka ng USDT gamit ang piso sa app na may lisensya mula BSP, tapos Send papunta sa address ng casino.
- GCrypto (sa loob ng GCash, pinapatakbo ng PDAX): bumili ng USDT sa Tron, 1 USDT ang minimum order, Send sa external wallet na may OTP mula sa PDAX sa email mo, hanggang ₱1,000,000 na katumbas kada 24 oras ayon sa Help Center ng GCash. Kapag lampas ₱50,000 ang isang send, may dagdag na detalye na hihingin.
- Maya Crypto (sa loob ng Maya app): bukas ulit ang send at receive sa external wallet mula Pebrero 2026 ayon sa BitPinas, at nasa listahan ng 33 token nito ang USDT. Hindi nakasaad sa public pages kung aling USDT network ang suportado sa send, kaya i-check sa app bago bumili.
- Coins.ph: may “Send to external wallet” na may pagpipilian ng network. Pero mula 29 Setyembre 2026, suspendido ng BSP ang inbound InstaPay at PESONet transfer papunta sa DCPay, ang e-wallet sa likod ng Coins.ph, kaya hindi ka makakapag-cash in mula sa bangko o GCash hangga’t hindi ito binabawi. Gumagana pa ang crypto services; i-check sa app kung paano mo ito mapopondohan ngayon.
Ang kalamangan: walang seed phrase na babantayan, at pareho ang lugar ng pagbili at pagbenta. Ang kakulangan: may limits ang exchange, at hindi mo hawak ang coin, ang exchange ang may hawak.
Mula sa sariling wallet (self-custody)
Trust Wallet, TronLink at iba pa: ikaw ang may hawak ng private key. Para sa casino, hindi ito kailangan, pero may ilang gusto ito para hindi dumaan sa exchange ang bawat deposit at withdrawal. Dalawang bagay na dapat alam mo: kailangan mo ng kaunting TRX sa wallet para sa fee kapag nagse-send ng USDT sa Tron (sa exchange, ibinabawas ito nang awtomatiko), at kapag nawala ang seed phrase mo, nawala ang coin, walang “forgot password”. Para sa karamihan ng player, sapat na ang exchange route.
Step by step: cashier → address → send → confirmation
Ganito ang buong proseso, na may eksaktong labels mula sa mga review namin. Mag-login sa casino sa isang tab at buksan ang exchange app mo sa phone.
- Buksan ang crypto deposit sa casino.
- Winna: Wallet → Deposit → USDT → piliin ang TRC-20 (may BEP-20, ERC-20 at Solana din).
- BC.Game: Wallet → Deposit → USDT → piliin ang TRON network.
- BK8: Deposit → Crypto → USDT → piliin ang TRC-20 (may ERC-20 din).
- Megapari: Deposit → USDT, at basahin ang network label sa tabi ng address.
- Kopyahin ang address. Gamitin ang Copy button, hindi ang pag-type. Kung may QR code, mas mabuti pang i-scan ito sa exchange app.
- Sa exchange, i-tap ang USDT → Send (o Withdraw), i-paste ang address, at piliin ang parehong network na nasa cashier.
- I-type ang halaga. Tandaan na ibabawas ang network fee; kung eksaktong 50 USDT ang gusto mong dumating, i-check kung ibabawas ito sa 50 o idadagdag sa ibabaw.
- Mag-test send sa unang beses. 2–3 USDT muna. Kapag lumabas sa casino, i-send ang natitira. Dalawang fee ang babayaran mo sa unang beses, pero ito ang pinakamurang insurance sa buong crypto.
- I-confirm gamit ang OTP (sa GCrypto, mula sa PDAX sa email mo).
- Hintayin ang confirmation. Sa Tron, ilang segundo hanggang ilang minuto. Ayon sa cashier records namin, ike-credit ng BK8 ang USDT sa loob ng 3 minuto (hanggang 15 minuto ang BTC at ETH); sa Winna at BC.Game, papasok ito kapag na-confirm ng blockchain.
- I-check ang balance. Sa BK8, naka-piso ang balance at ike-credit ang USDT sa exchange rate na nasa screen. Sa Winna at BC.Game, pwedeng USDT mismo ang wallet mo, kaya USDT ang makikita mo.
Kung lampas 30 minuto na at “confirmed” na ang transaction sa block explorer (hal. tronscan para sa Tron), mag-chat sa casino dala ang transaction hash (TXID), ang halaga at ang network. Halos lahat ng na-stuck na crypto deposit na tama ang network ay nake-credit nang manu-mano.
Fees at minimum
Ito ang alam namin mula sa cashier records (na-verify 1–2 Oktubre 2026), mga review at help center. Kung “i-check sa cashier” ang nakasulat, hindi ito naka-publish sa public pages.
| Winna | BC.Game | BK8 | Megapari | |
|---|---|---|---|---|
| Minimum na deposit (USDT) | Nasa deposit screen kada coin; Buy Crypto mula $5 | Nasa cashier kada coin | Hindi naka-publish; ₱300 na katumbas para sa bonus | I-check sa cashier; katumbas ng ₱350 para sa casino bonus |
| Fee sa deposit (casino) | Wala bukod sa network fee | Network fee | Wala ayon sa FAQ | Hindi nakasaad |
| Pagpasok | Kapag na-confirm ng blockchain | Kapag na-confirm ng blockchain | 0–3 minuto | Hindi laging instant ayon sa Megapari |
| USDT network | TRC-20, BEP-20, ERC-20, Solana | TRON | TRC-20, ERC-20 | Nakasaad sa deposit page |
| Currency ng balance | USDT (o ibang coin) | PHP o coin | PHP (USDT ike-credit sa rate na nasa screen) | PHP o USDT, pinipili sa sign-up |
Sa panig ng exchange, dalawa ang bayarin: ang spread (ang diperensya ng buy at sell price ng USDT, na nasa quote bago ka mag-confirm) at ang network fee kada send. Wala kaming ilalagay na eksaktong numero rito dahil nagbabago ito; i-check sa app. Ang praktikal na rule: dahil kada transfer ang fee, mas mura ang isang ₱3,000 na deposit kaysa tatlong tig-₱1,000.
Halimbawang kuwenta: ₱3,000 mula GCash papunta sa Winna at pabalik
Gumagamit ang halimbawang ito ng ₱57 kada USDT na buy rate at ₱56.50 na sell rate, at 1 USDT na network fee. Halimbawa lang ang mga numero; iba ang makikita mo sa app sa araw na iyon.
| Hakbang | Kuwenta | Resulta |
|---|---|---|
| Bumili ng USDT sa GCrypto | ₱3,000 ÷ ₱57 | 52.63 USDT |
| I-send sa Winna (TRC-20) | 52.63 − 1 (network fee) | 51.63 USDT ang pumasok |
| Maglaro; sabihin nating natapos ka sa | 70 USDT | |
| Itaya nang 1x ang deposit | 51.63 USDT na taya, tapos na | Pwede nang mag-withdraw |
| Mag-withdraw sa GCrypto address (TRC-20) | 70 − 1 (network fee na ipinapakita ng Winna bago mag-confirm) | 69 USDT ang dumating |
| Ibenta sa GCrypto | 69 × ₱56.50 | ₱3,898.50 |
| I-withdraw sa GCash | ₱3,898.50 sa wallet mo |
Dalawang bagay ang ipinapakita ng kuwenta. Una, mga ₱115 ang kabuuang gastos ng buong round trip (dalawang network fee at ang spread), na mga 4% ng ₱3,000. Hindi ito maliit, kaya mas sulit ang mas malaking bagsakan at mas kaunting round trip. Pangalawa, $20 ang minimum na withdrawal sa Winna: kung natapos ka sa 15 USDT, hindi mo pa ito mailalabas, kaya isama ito sa pag-plano ng budget.
Pag-withdraw pabalik sa USDT
Ganito ang pabalik, at pareho ang prinsipyo sa apat na casino: USDT ang pasok, USDT ang labas, sa parehong network.
- Itaya nang 1x ang bawat deposit. Rule ito sa Winna at BK8, at sa Megapari sa odds na 1.1 pataas. Tapusin din ang anumang active na bonus turnover.
- Sa GCrypto, i-tap ang USDT → Receive, piliin ang Tron (TRC-20) at kopyahin ang address mo.
- Sa casino, mag-request ng USDT withdrawal papunta sa address na iyon, sa TRC-20. Tingnan ang network fee na ipinapakita bago mag-confirm.
- Hintayin ang approval ng casino. Instant sa panig ng Winna at BC.Game; 0–25 minuto sa BK8 ayon sa cashier records namin; 0–24 oras na pending sa Megapari, tapos hihintayin ang blockchain.
- Pagdating, i-Sell ang USDT para maging piso sa GCrypto, tapos Withdraw sa GCash wallet mo.
Limits na nakasaad: $20 minimum at $10,000 kada 24 oras sa Winna (pwedeng taasan ng VIP host); 10,000 kada araw ayon sa T&Cs ng Megapari; sa cashier ng BC.Game pagka-login; at VIP mula ₱400,000 kada araw sa BK8 (hindi naka-publish ang regular). May sariling limits din ang GCrypto Trading Wallet, kaya i-check ang Help Center ng GCash bago ang malaking cash-out. Kapag may humarang sa withdrawal mo, nasa aming gabay sa withdrawal problems ang walong dahilan at ang solusyon sa bawat isa.
Mga pagkakamaling hindi na mababawi
- Maling network. Ang numero uno. ERC-20 na address sa TRC-20 na send, o Tron na USDT sa 0x na address. Mawawala ang pera.
- Maling coin sa tamang network. Nag-send ng TRX (ang coin ng Tron) sa USDT address, o USDC sa USDT na deposit. Hindi ito ike-credit ng cashier nang awtomatiko.
- Lumang address. May casino na nagpapalit ng deposit address kada transaction. Kopyahin ang bago kada deposit.
- Pag-type ng address. Isang letra na mali, ibang wallet. Copy, paste, o QR lang.
- Pagkalimot sa fee. Nag-send ng eksaktong minimum, nabawasan ng fee, at hindi naabot ang minimum ng casino.
- Pag-send mula sa smart contract o “internal transfer”. Ang ilang exchange ay may option na internal transfer na walang TXID; hindi ito nakikita ng casino. Gamitin ang karaniwang on-chain send.
- Pag-share ng screenshot na may buong address at QR sa public group. Ang address ay hindi password, pero ang screenshot ng balance at transaction ay sapat na para sa mga scammer na mag-pose bilang “support”. Hindi hihingi ng OTP ang legit na casino; nasa aming gabay sa pagkilala ng scam casino ang mga senyales.
Durian tip: Gumawa ng “whitelist” sa sarili mong notes: ang USDT TRC-20 address ng casino na na-test mo na, at ang GCrypto receive address mo. Sa susunod na deposit at withdrawal, i-compare ang unang tatlo at huling apat na character sa listahan mo. Dalawang segundo, zero na pagkakamali.
Ang mga casino namin sa USDT
| Casino | USDT network | Minimum | Payout sa USDT | Bilis ng payout | Welcome offer sa crypto deposit |
|---|---|---|---|---|---|
| Winna | TRC-20, BEP-20, ERC-20, Solana | Nasa deposit screen; $20 ang withdrawal | Oo | Instant sa panig ng Winna; 0–24 oras sa AskGamblers | Walang welcome bonus; instant rakeback mula sa unang taya |
| BC.Game | TRON | Nasa cashier | Oo | Instant sa panig ng BC.Game | Hanggang 500% sa 4 na deposit mula ₱200 na katumbas, nagiging cash habang tumataya |
| BK8 | TRC-20, ERC-20 | Hindi naka-publish | Oo | 0–25 minuto ayon sa cashier | 100% hanggang ₱5,000, 12x ng deposit + bonus, mula ₱300 na katumbas sa game wallet |
| Megapari | Nakasaad sa deposit page | I-check sa cashier | Oo, sa parehong method | 0–24 oras na pending, tapos depende sa blockchain | Gumagana ang ₱108,000 + 150 FS na package sa USDT account, 35x ng bonus |
Lahat ng apat ay nasa aming listahan ng casino na tumatanggap ng USDT at sa listahan ng crypto casino. Kung Bitcoin o Ethereum ang hawak mo, may hiwalay na listahan para sa Bitcoin at Ethereum, pero sa karamihan ng Pinoy na player, USDT sa Tron ang pinakamura at pinakasimple.
Saan mag-deposit ng USDT
- Winna: ang pinakadalisay na crypto experience sa listahan namin. Apat na USDT network, instant na withdrawal mula $20, network fee lang, at instant rakeback mula sa unang taya sa halip na bonus na may turnover. Very high (9.3) ang Safety Index sa casino.guru. Ruta mula GCash sa aming gabay sa Winna at GCash.
- BC.Game: para sa gustong USDT at peso sa iisang account, na may JILI at Fa Chai. Instant ang crypto withdrawal sa panig nila, at ang 500% na welcome stages ay gumagana sa crypto deposit. Detalye sa gabay sa BC.Game at GCash.
- BK8: para sa gustong peso balance at low-wagering na bonus pero USDT ang daan. Pumapasok ang USDT sa loob ng 3 minuto, 0–25 minuto ang payout, at ike-credit sa piso sa rate na nasa screen. Steps sa gabay sa BK8 at GCash.
Para sa pinakamabilis na payout sa lahat ng rail, tingnan ang aming listahan ng fast-payout na casino.
21+ lang. Mag-set ng budget sa piso bago ka bumili ng USDT, i-withdraw ang panalo habang lamang ka pa, at kung kailangan mo ng tulong, basahin ang aming responsible gambling page.
