Aling coins ang tinatanggap ng bawat casino
Tumatanggap ng crypto ang lahat ng casino sa itaas, pero magkakaiba ang coins, bilis at house rules nila. Ito ang maikling bersyon:
| Casino | Coins | Ang crypto angle |
|---|---|---|
| BC.Game | BTC, ETH, USDT, USDC, SOL, XRP, TRX, BNB, DOGE at iba pa | Peso wallet at 10+ na coins sa iisang account; instant ang crypto withdrawal sa side nila; Buy Crypto gamit ang MoonPay o Banxa |
| BK8 | USDT (TRC-20, ERC-20), BTC, ETH | Hanggang 3 minuto ang processing ng USDT; walang deposit o withdrawal fee mula sa BK8, ayon sa FAQ nila |
| Megapari | 13 account currency: USDT, BTC, ETH, TRX, XRP, DOGE, LTC, ADA, BCH, DASH, XMR, ETC, LINK | Pwedeng crypto ang buong account mo; pwede sa crypto account ang casino welcome package |
| Winna | 13 coins, kasama ang USDT sa TRC-20, BEP-20, ERC-20 at Solana | Crypto lang; payout na instant hanggang 24 oras; network fee lang; instant rakeback |
Mga pick namin ayon sa istilo ng paglalaro
- Pinakakumpleto: BC.Game (4/5). Peso balance at 10+ na coins sa iisang login, crypto withdrawal na instant sa side ng BC.Game, at hanggang 500% sa unang apat na deposit mula ₱200 lang. Nagiging totoong cash ang bonus habang tumataya ka, at hindi ito nag-e-expire. Dagdag pa ang JILI, Fa Chai, PG Soft at 700+ na live table, kaya ito ang pinakakumpletong crypto pick para sa Pinoy.
- Peso site na may mabilis na USDT: BK8. Hanggang 3 minuto ang processing ng USDT sa TRC-20 o ERC-20, at 12x lang ng deposit plus bonus ang 100% welcome bonus na hanggang ₱5,000. Sulit kung gusto mo ng peso account na may crypto bilang fast lane.
- Pinakamaraming coin na pagpipilian: Megapari. Buksan ang account mo sa isa sa 13 na cryptocurrency, mula USDT at TRX hanggang Litecoin at Cardano, at pasok pa rin ang ₱108,000 + 150 FS na casino package.
- Para sa crypto-only na regular: Winna. 13 coins, USDT sa apat na network, payout na instant hanggang 24 oras, at instant rakeback na pwedeng i-claim kada 7 minuto, plus $10,000 na daily at $50,000 na weekly race. Walang welcome bonus kaya walang bonus wagering, 1x turnover lang sa bawat deposit.
Bilis at limit ng crypto payout
| Casino | Bilis ng crypto withdrawal | Limit at fees |
|---|---|---|
| BC.Game | Instant sa side ng BC.Game, tapos magko-confirm ang blockchain | Network fee; iba-iba ang minimum kada coin; makikita ang limit pagka-login |
| BK8 | Hanggang 3 minuto sa USDT, hanggang 15 sa BTC o ETH (FAQ ng BK8) | Walang fee mula sa BK8; ang wallet o exchange mo ang naniningil ng network fee |
| Megapari | 24/7 ang processing; 0–24 oras na pending (AskGamblers) | 10,000 kada araw ayon sa T&Cs; i-withdraw sa parehong method na ginamit mo sa deposit |
| Winna | Instant sa side ng Winna; 0–24 oras (AskGamblers) | Min $20; $10,000 kada 24 oras; network fee lang |
Gusto mo ng listahang naka-rank ayon sa bilis lang? Tingnan ang aming mabilis mag-payout na casino.
USDT, Bitcoin o iba pa?
USDT ang pinakasimpleng coin para maglaro. Tinatanggap ito ng apat na casino, at sumusunod ang halaga nito sa US dollar, kaya sa palitan lang ng piso at dolyar gumagalaw ang balance mo, hindi sa galaw ng crypto market.
Bitcoin at Ethereum ay pwede rin sa apat. Pwedeng gumalaw nang malaki ang halaga nila sa pagitan ng deposit at withdrawal, kaya pwedeng magbago ang peso balance mo kahit hindi ka naglalaro.
Ang iba ay depende kung saan ka maglalaro: USDC, Solana at BNB sa BC.Game at Winna; XRP, TRX at Dogecoin sa BC.Game, Megapari at Winna; Litecoin sa Megapari at Winna. Magagamit kung hawak mo na ang mga ito. Hindi namin sinasabi kung ano ang dapat mong i-hold, kundi kung ano lang ang tinatanggap ng bawat cashier.
TRC-20 vs ERC-20, mabilisan
Karamihan ng cashier ay may USDT sa higit sa isang network:
- TRC-20 (Tron): nagsisimula sa T ang address, at kadalasang mababa ang network fee. USDT sa Tron ang binebenta ng GCrypto sa GCash app, kaya ito ang pinakamadaling ruta mula sa GCash.
- ERC-20 (Ethereum): nagsisimula sa 0x ang address, at sumusunod sa Ethereum gas ang fee, kaya pwede itong tumaas kapag busy ang network.
Isang patakaran na hindi pwedeng labagin: pareho dapat ang network sa magkabilang dulo. Tumatanggap ang Winna ng USDT sa TRC-20, BEP-20, ERC-20 at Solana, ang BK8 sa TRC-20 at ERC-20, at sa BC.Game, USDT sa murang network tulad ng TRON o Solana ang pinakamabilis na labasan. Sa Megapari, tingnan ang network na nakalagay sa deposit page ng USDT account mo.
GCash → GCrypto → USDT → casino, mabilisan
Mula Agosto 2025, hindi na pwedeng mag-link ang GCash sa gambling sites, pero makakapasok pa rin ang GCash balance mo gamit ang GCrypto. Kailangan mo ng Fully Verified na GCash account at verified na email, at dapat 18 pataas ka.
- Sa GCash, buksan ang GInvest → GCrypto at i-top up ang Trading Wallet ng pisong gusto mong ipanlaro.
- Bumili ng USDT sa Tron (TRC-20). 1 USDT ang minimum na order.
- I-copy ang deposit address ng casino mo. Piliin ang USDT at TRC-20 sa deposit page (Wallet → Deposit sa Winna at BC.Game, ang Crypto method sa BK8, ang USDT account mo sa Megapari).
- Mag-send mula sa GCrypto (USDT → Send). Mag-test send muna ng maliit na halaga, at itago ang transaction ID.
- Pag-cash-out, baligtad lang: i-withdraw ang USDT sa TRC-20 papunta sa GCrypto Receive address mo, i-sell para maging piso, tapos ilipat ang piso sa GCash wallet mo.
Nasa aming gabay sa GCash casino ang buong walkthrough. Maya ang gamit mo? Tingnan ang aming gabay sa Maya casino.
Durian tip: Sa parehong method na ginamit mo sa deposit nagbabayad ang Megapari. USDT ang dineposit mo? Planuhin na sa USDT din ang withdrawal, tapos i-sell ito sa GCrypto. Simple lang.
Pag-cash-out: KYC at house rules
Pinapabilis ng crypto ang payout, pero may checks pa rin. Ayusin na ang mga ito bago ang unang withdrawal mo:
- Mag-verify nang maaga. Pwedeng humingi ang BC.Game ng government ID at selfie bago mag-withdraw, at ayon sa Megapari, hanggang 72 oras ang checks nila pagkatapos mong mag-upload ng dokumento.
- Itaya muna ang deposit. 1x turnover sa bawat deposit ang hinihingi ng Winna, gusto ng Megapari na maitaya ang deposit nang kahit isang beses sa odds na 1.1 pataas, at hinihingi ng BK8 na maitaya mo ang deposit mo nang isang beses.
- Sariling wallet ang gamitin. Ayon sa FAQ ng BK8, hindi ito tumatanggap ng third-party payments, kaya magpadala mula sa wallet o exchange account na nakapangalan sa iyo.
- Alamin ang caps. $10,000 kada 24 oras ang sa Winna (pwedeng taasan ng VIP host mo), 10,000 kada araw ang cap ng withdrawal sa T&Cs ng Megapari, at makikita ang limit ng BC.Game pagka-login.
Gusto mong magsimula nang maliit? Tingnan ang aming minimum deposit casinos. Bago sa bonus math? Ipinapaliwanag ng gabay sa wagering ang turnover sa piso.
21+ lang. Pwedeng gumalaw ang halaga ng crypto sa piso, kaya i-set ang budget mo sa piso bago ka bumili ng USDT, at magpahinga kapag hindi na masaya ang laro. May tulong sa aming responsible gambling page.




